Nalumos ng wala sa oras o napatay ang isang kasapi ng Dawlah Islamiyah- Maute Group o DI-MG sa nangyaring bakbakan laban sa militar at ng kanilang grupo sa Barangay Kalangan, Piagapo sa lalawigan ng Lanao del Sur nitong Sabado lamang.

Ayon kay WestMinCom Commander Lt. Gen. Antonio Nafarette, ang unang bakbakan sa pagitan ng 8th Scout Ranger Company at mga kasapi ng teroristang DI-MG dakong ala-una ng hapon at umabot ng 15 minuto ang naging sagupaan.

Sumunod naman na nagkasagupaan ang mga tropa ng 44th IB at di mabilang na kasapi ng DI-MG na umano ay pinangungunahan ng alyas Usman.

Hindi pa nakikilala ang nasawi sa panig ng teroristang kumunista na grupo habang nakakumpiska naman ng mga armas at bala at ng mga iba pang kagamitan na galing sa kanilang mga nakasagupa ang tropa ng Militar.