Santong dasalan sa loob ng bilangguan ang kakaharapin ng isang ex-pastor matapos itong mahuli ng kapulisan ng pagnakawan nito ang isang tindahan habang ang dala nitong armas ay ang baril na laruan o pellet gun.
Kinilala ang dating pastor na nabaliko ang landas na si Marvin Garcia Alvarez, 41-anyos at taga purok Pag-asa sa Barangay Rosary Heights 7, lungsod ng Cotabato habang ang pinag nakawan naman nito ay si Noel Samson, 26-anyos at residente ng Purok 8, Barangay Villarica sa bayan ng Midsayap.
Ayon sa pulisya, dumating sa bahay ng biktima na si Samson ang suspek at nagdeklara ito ng hold-up at nakuha sa kanya ang isanlibong piso.
Agad namang nakaresponde sa insidente ang Midsayap PNP at patakas na ng naabutan ng mga ito ang suspek.
Narekubre naman sa pag-iingat nito ang pera at ang laruang baril na ginamit nitong panakot sa biktima.
Nasa kustodiya na ng Midsayap PNP ang suspek at haharapin nito ang patong patong na reklamo kabilang na ang paglabag sa umiiral na COMELEC Gunban.