Arestado ang isang binatilyo na si alyas ‘Ketket’ matapos makuhanan ng hinihinalang shabu at improvised na tooter sa Yap Sy Street, Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City nitong Sabado ng gabi. April 19, 2025
Ayon kay Police Station 2 Chief PMaj. Teofisto Ferrer Jr., napansin ng mga rumurondang pulis ang suspek sa madilim na bahagi ng lugar habang nakatakip ang mukha, kaya agad siyang sinita. Sa takot, kusa umano nitong inamin na may dalang droga.
Nadiskubre rin na may dating kaso si Ketket na may kaugnayan sa ilegal na droga. Nahaharap siya ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 at ililipat sa pangangalaga ng MSSD-BARMM para sa kaukulang aksyon.