Arestado ang isang construction worker matapos maaktuhang nagbebenta ng iligal na droga sa isang poseur buyer sa Barangay Rosary Heights 1, Cotabato City nitong nakaraang weekend.

Kinilala ng Cotabato City Police Station 1 ang suspek sa alyas “Dagul,” 24 taong gulang, may asawa, at residente ng nasabing lugar.

Nasamsam mula sa kanya ang isang sachet ng hinihinalang shabu at P500.00 marked money na ginamit sa buy-bust operation na isinagawa sa Zone 8 ng barangay.

Kasalukuyang nakakulong si Dagul sa custodial facility ng Police Station 1 at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Photo credits to Roy Holgado