Itinalaga bilang bagong hepe ng Directorate for Comptrollership (DC) si Police Regional Office III Director at kasalukuyang Philippine National Police (PNP) Spokesperson na si Police Brigadier General Jean Fajardo, kapalit ni Police Major General Neil Alinsangan na ngayo’y itatalaga naman sa Area Police Command sa Eastern Mindanao.

Ang Directorate for Comptrollership ay pangunahing sangay ng PNP na nangangasiwa sa mga usaping pinansyal ng organisasyon, kabilang ang pagbuo ng budget, financial planning, accounting, auditing, at tamang alokasyon ng mga pondo upang matiyak ang maayos at transparent na paggasta ng pondo ng pambansang pulisya.