Kritikal ang kalagayan ng isang driver ng mixer truck matapos makuryente habang nagmamaneho sa Barangay Balogo, Pigcawayan, Cotabato nitong umaga ng Hunyo 24.
Batay sa ulat, aksidenteng sumabit sa cement mixer ang isang nakalaylay na kawad ng kuryente na noon ay pinuputol umano, dahilan upang makuryente ang tsuper.
Agad na rumesponde ang mga awtoridad at rescue team sa lugar upang bigyan ng paunang lunas ang biktima bago ito isinugod sa pinakamalapit na pagamutan.
Sa ngayon, patuloy na inoobserbahan ng mga doktor ang kalagayan ng hindi pa pinapangalanang driver.