Umusad na sa ikalawang pagbasa sa Bangsamoro Transition Authority Parliament ang panukalang pagtatatag ng Buldon General Hospital sa ilalim ng Parliament Bill Number 233.
Layunin ng panukala na magtayo ng isang 25-bed capacity Level 1 hospital sa bayan ng Buldon, Maguindanao del Norte upang mapalakas ang serbisyong pangkalusugan sa lugar at mga kalapit na bayan gaya ng Barira at ilang bahagi ng North Cotabato.
Inisponsor ito ni MP Atty. Suharto “Teng” Ambolodto, kasama sina MP Suwaib Oranon, MP Baintan Ampatuan, at MP Ishak Mastura.
Ayon kay MP Teng, magbibigay ito ng emergency services, maternity care, minor surgery, at iba pang pangunahing serbisyong medikal. Bahagi rin ito ng mas malawak na layunin na mapalakas ang tiwala ng mamamayan sa gobyernong Bangsamoro at maisulong ang isang mas malusog at produktibong komunidad.