Tagumpay sa kauna-unahang pagkakataon ang public hearing kaugnay sa planong pagtatatag ng ospital sa bayan ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao Del Norte.

Mismong si Member of Parliament Baintan Ampatuan ang principal sponsor sa kahilingan ng mga taga DBS na magkaroon ng sariling ospital.

Ayon kay MP Ampatuan, nakita nila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bahay pagamutan noong nagdaang Bagyong Paeng.

Sisikapin ng opisyal na mapabilis ang pagsasabatas ng panukala bago sumapit ang filing ng certificate of candidacy ngayong October 2024.