Kalunos-lunos ang sinapit ng isang buntis na babae na natagpuang naaagnas na ang bangkay sa isang masukal na bahagi ng Barangay Dualic, Midsalip, Zamboanga del Sur.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Erna Andawas, residente ng Lison Valley, Pagadian City.

Batay sa imbestigasyon, huling nakita si Erna noong Hunyo 13, 2025. Siyam na araw siyang pinaghahanap ng kanyang mga kaanak at kaibigan bago tuluyang natagpuan ang kanyang bangkay.

Sa ngayon, puspusan ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang alamin ang tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay at kung may foul play na sangkot.

Panawagan ng pamilya at pulisya, kung sino man ang may impormasyon kaugnay sa insidente ay hinihikayat na makipag-ugnayan agad sa mga otoridad upang makamit ang hustisya para kay Erna.