Patuloy parin na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang napaulat na insidente ng pagsabog sa loob ng tahanan ni Nor Aine Pendaliday sa Rosales Street, Rosary Heights 6, Cotabato City ngayong hapon ng Biyernes, Hulyo 18, 2025.‎‎

Ayon sa ulat mula sa Police Station 2 ng Cotabato City Police Office, alas-4:50 ng hapon nang maganap ang pagsabog, at agad itong nai-report sa istasyon makalipas lamang ang dalawang minuto.

Alas-4:55 ng hapon ay agad na nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng PS2 na pinamunuan ni PMaj. Teofisto R. Ferrer Jr., katuwang ang mga operatiba ng MBLT-6 sa pamumuno ni 2Lt. Kent Lemuel O. Cultura.‎‎

Pagdating sa lugar ay agad na kinordon ng mga pulis ang paligid ng bahay upang tiyakin ang seguridad habang isinasagawa ang paunang imbestigasyon.

Sa ngayon ay wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa naturang insidente.