Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa pamamaril na naganap sa loob mismo ng silid-aralan ng Sta. Rosa Integrated School kahapon ng umaga.

Batay sa ulat, dalawang mag-aaral sa high school — isang lalaki at isang babae — ang sugatan matapos silang barilin sa gitna ng kanilang klase. Naganap ang insidente sa loob ng classroom habang nasa kalagitnaan pa ng leksyon.

Kinumpirma ni Police Major Willard Dulnuan, Acting Chief of Police ng Santa Rosa Municipal Police Station, na isa sa mga tinitingnang motibo sa krimen ay ang umano’y love triangle.

Agad na isinugod sa ospital ang mga biktima habang patuloy namang pinaghahanap ang salarin. Kabilang sa sinusuri ngayon ng mga awtoridad ang mga kuha ng CCTV sa paligid ng paaralan upang mapadali ang pagkakakilanlan sa suspek.