Isinugod sa pagamutan ang isang punong-guro matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa harap mismo ng Agriculture Elementary School sa bayan ng Midsayap, Cotabato, nitong umaga ng Martes, Agosto 12.
Kinilala ang biktima na si Arlyn Alcebar, na sakay ng kanyang pulang Toyota Rush at papasok na sa gate ng paaralan nang biglang pagbabarilin ng dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo bandang alas-7 ng umaga.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga salarin patungo umano sa direksyon ng Barangay Salunayan. Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang alamin ang motibo sa likod ng insidente.