Patay ang 29 anyos na nanay matapos itong tambangan ng mga armado habang sinasakyan nitonang kanyang motorsiklo sa isang bahagi ng Diversion Road sa Purok 7, Barangay 7 sa Sulop, Davao Sur.

Sa ulat ng Sulop Municipal PNP, kahahatid lang ni Suarez sa eskwela ng kanyang anak at pauwi na sana ito ng tambangan ng mga armadong nakaabang sa kanya na mabilis na tumakas matapos itong tambangan.

Hindi naman tinangay ng mga pumatay sa nanay ang kanyang motorsiklo.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.