Patay on the spot ang isang magsasaka at IP leader matapos itong pagbabarilin ng mga nakilalang suspek sa Sitio Kukor, Mantao, Datu Hoffer sa Maguindanao Del Sur.

Kinilala ang biktima na si Baiwan Angan y Banog, nasa hustong gulang at isang magsasakang nakatira sa lugar habang ang mga suspek sa krimen base sa salaysay ng misis nito ay sina Mohidin Omar at Samarodin Sali na kapwa naman nito magsasaka.

Base sa naging pagpapatunay ng misis ng biktima sa pulisya, nanghuhuli lamang ng isda ang biktima malapit sa sinasaka nito ng biglang dumating ang mga suspek at wala itong habas na binaril ang biktima hanggang sa tumakas ang mga ito.

Away lupa o Land Conflict ang nakikitang motibo ng kapulisan sa krimen.

Dahil dito, humiling naman ng pakikiisa sa pamilya ng biktima ang pulisya upang mademanda ang dalawang suspek na ngayon ay tinutugis na ng mga autoridad.