Arestado ang isang babaeng itinuturing na high-value individual sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad kahapon, Hunyo 13, sa bayan ng Buldon.
Ayon kay Lieutenant Joselito Radam, hepe ng Buldon Municipal Police Station, nakipagtulungan sa operasyon ang 1st PMFC 3rd Maneuver Platoon, Regional Drug Enforcement Unit ng PRO-BAR, at 1401st RMFB 14-A.
Kinilala ang suspek na si Saima Guialoden Mundas, 32-anyos, may asawa, at residente ng nasabing bayan.
Nakumpiska mula kay Mundas ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang halagang ₱2,249,000. Narekober din sa kanya ang marked money na ginamit sa transaksyon.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.