Sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng dalawang grupo sa Macabual, Tugunan, SGA-BARMM, kaninang umaga, Marso 2, 2025.
Ang engkwentro ay kinasasangkutan ng isang Kundutoy, kasapi ng National Guard ng MILF, at ni Apang Abdulkarim, kapatid ng yumaong si Pli Zacaria Abdulkarim ng 118th Base Command ng BIAF-MILF.
Ayon sa ulat, ang bakbakan ay kaugnay ng pamamaril noong Marso 1, 2025, kung saan napatay si Pli Zacaria Abdulkarim, dating kasapi ng 118th Base Command sa ilalim ni Commander Badboy.
Sa kasalukuyan, nakaalerto parin ang lahat ng pwersa ng seguridad sa SGA at Pikit Municipality habang pinatitibay ang mga border control points upang maiwasan ang malawakang bakbakan sa iba pang lugar.