Humina na ang Bagyong Basyang; Cotabato City at Iba Pang Bahagi ng Mindanao, Apektado pa rin ng Malalakas na Pag-ulan
Humina na ang Bagyong Basyang at tuluyan nang naging isang low pressure area (LPA), ayon sa ulat ng PAGASA.
Subalit, sa Cotabato City at iba pang bahagi ng Mindanao, patuloy ang localized thunderstorms na maaaring magdulot ng flash floods o landslides sa ilang lugar dahil sa malalakas na pag-ulan.

















