Matagumpay na nakilahok ang Bangsamoro Board of Investments (BBOI) sa ASEAN Editors and Economic Opinion Leaders Forum na ginanap sa Fairmont Makati, na dinaluhan ni Kaniyang Kagalang-galang Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr., kasama ang mga Cabinet secretaries, kilalang media partners, miyembro ng diplomatic corps, at mga business leaders mula sa iba’t ibang bansa sa rehiyon.

Kinatawan ng BBOI–BARMM si Board of Governor Datu Habib Ambolodto, na nagpakita ng aktibong partisipasyon at visibility ng Bangsamoro sa mga mahahalagang plataporma na tumatalakay sa economic cooperation at regional development.

Ayon sa nasabing forum, layunin nito na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng media, mga economic opinion leaders, at business stakeholders sa ASEAN upang mas mapabilis ang kolaborasyon at pag-unlad sa rehiyon. Ang partisipasyon ng BBOI–BARMM ay patunay ng patuloy na pag-angat ng Bangsamoro sa larangan ng negosyo at investment sa internasyonal na entablado.