Umabot na sa 56 ang kabuuang kaso ng monkeypox (Mpox) sa Bangsamoro Region mula Mayo 5 hanggang Hunyo 17, 2025, batay sa pinakahuling ulat ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng Ministry of Health-BARMM nitong Martes, Hunyo 17.

Sa nasabing bilang, 41 ang suspected cases, 7 ang probable, at 8 ang kumpirmadong kaso. Naitala rin ang limang (5) bagong suspected cases kahapon. Maliban sa isang kaso, ang lahat ng suspected cases ay kasalukuyang naghihintay pa ng resulta mula sa laboratoryo.

Samantala, 19 kaso ang nagnegatibo sa Mpox mula Mayo 5 hanggang Hunyo 17. Batay sa datos noong Hunyo 16, pumalo sa 30% ang positivity rate ng Mpox sa rehiyon.

Narito ang distribusyon ng mga kaso sa iba’t ibang lugar sa BARMM:

Cotabato City: 24 suspected, 2 probable, 2 confirmed

Maguindanao del Sur: 7 suspected, 2 probable, 3 confirmed

Maguindanao del Norte: 8 suspected, 3 probable, 3 confirmed

Lungsod ng Lamitan: 2 suspected, 0 probable, 0 confirmed

Sa kabuuan, may 23 nang nakarekober mula sa Mpox sa rehiyon — 9 mula sa Maguindanao del Norte, 5 sa Maguindanao del Sur, at 9 sa Cotabato City.

Isa namang kaso ng pagkamatay na may kaugnayan sa Mpox ang iniulat bilang suspected case sa Cotabato City.