Mahigit 2,300 pulis ang ipinakalat sa buong Bangsamoro Region upang tiyakin ang seguridad sa unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).
Ayon kay PCpt. Steffi Salanguit, umabot sa 2,309 police personnel ang idineploy para sa mahalagang prosesong ito.
Layunin ng malawakang deployment na panatilihin ang kaayusan at seguridad sa pagsisimula ng election period sa rehiyon.
Sakop nito ang paghahain ng COC ng mga tatakbong District Representatives at pagsusumite ng listahan ng mga nominado ng koalisyon.
Ang mga prosesong ito ay isinasagawa sa Commission on Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ang hakbang na ito ay kritikal upang matiyak ang isang mapayapa at maayos na halalan sa Bangsamoro.

















