Narekober ng mga technical diver ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang bangkay sa isinagawang underwater operation nitong Pebrero 22, 2026, kaugnay ng insidente ng MV Trisha Kerstin 3.
Umabot na sa 65 ang kabuuang bilang ng mga nasawi. Samantala, 293 indibidwal ang naitalang nakaligtas, habang 14 pa ang nananatiling nawawala batay sa pinagsamang ulat ng mga awtoridad.
Binigyang-diin ng PCG na ang nasabing datos ay resulta ng magkatuwang na beripikasyon ng iba’t ibang ahensya, kabilang ang Philippine National Police – Scene of the Crime Operatives (SOCO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM), at ng mga pamilya ng mga apektado na araw-araw na nakikipag-ugnayan sa inter-agency search and rescue teams.
Patuloy ang isinasagawang operasyon sa paghahanap sa mga nawawalang indibidwal.

















