Bumisita kahapon sa PRO-BAR si Chief PNP General Rommel Francisco Marbil at ang mga kasamahan nito.
Ito ay upang kamustahin ang mga tropa sa rehiyon at upang makiramay din sa naulila ng napatay na si PMSgt. John Manuel Bongcawil sa Parang Maguindanao del Norte.
Malugod naman na tinanggap nina PRO BAR Regional Director PBGen. Romeo Macapaz at Maguindanao del Norte Police Acting Provincial Director PCol. Joel Estaris sa PRO BAR Headquarters ang nasabing Chief PNP.