Upang mawala ang pangamba ng taumbayan, tiniyak ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na hindi na nila muling papayagan na ihimpil o iimbak sa mga di-akreditadong lugar ng komisyon ang mga kagamitan at mga election paraphernalias na gagamitin para sa First Bangsamoro Polls sa Setyembre.
Ang pagtitiyak ay ginawa kaugnay ng naging komosyon at pagkawindang ng taumbayan sa rehiyon nitong nakaraang 2025 National and Local Elections kung saan natuklasan na nakaimbak lamang sa isang bahay ang mga election paraphernalias na huling natuklasang inupahan ng subcontractor ng komisyon.
Ayon kay Garcia, kanyang tiniyak na ang mga kagamitan na gagamitin sa Bangsamoro Polls ay nasa Comelec Hubs nito dahil sa ang halalan ay region based lamang at hindi nationwide.
Siniguro din ni Garcia na kanila ding ikakabit ang mga Starlink satellites na gagamitin bilang connectivity devices sa bawat polling precints bago maghalalan sa Setyembre 14.

















