Kinilala ang Cotabato City bilang First Runner-Up sa Best Booth Competition para sa Cities and Municipalities Category ng 37th Philippine Travel Mart 2026 na ginanap sa Pasay City.

Ito na ang ikalawang magkakasunod na taon na nakamit ng lungsod ang naturang pagkilala sa kompetisyon.

Tampok sa booth ng Cotabato City ang mayamang kultura, mga lokal na produkto, at iba’t ibang tourism offerings na naglalayong ipakilala sa mas maraming Pilipino ang mga natatanging atraksyon at pagkakakilanlan ng lungsod.

Sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon, naibahagi rin ang mga kuwento at tradisyong nagbibigay kulay sa turismo ng Cotabato City.

Samantala, ipinagmalaki ng lungsod ang pagkilalang ito bilang patunay ng patuloy na pagsusulong at pagpapalakas ng sektor ng turismo sa Cotabato City.