Nakapagtala ang PAGASA Cotabato ng matinding heat index na umabot sa 46 degrees Celsius sa Cotabato City, na siyang pinakamataas sa buong bansa.
Ayon sa ahensya, ang naturang antas ng init ay nasa kategoryang “danger level” kung saan mataas ang panganib ng heat cramps at heat exhaustion, at posible ring mauwi sa heat stroke.
Pinapayuhan ang publiko na iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw, uminom ng maraming tubig, at magsuot ng preskong damit upang maiwasan ang masamang epekto ng matinding init.
Patuloy namang mino-monitor ng PAGASA ang lagay ng panahon habang inaasahang magpapatuloy ang mataas na temperatura sa mga susunod na araw.

















