Ihanda na ang kalooban, sarili at ang bulsa Starnation!
Muli na namang nagtaas ang singil sa overall residential rate ng Cotabato Light ngayong Nobyembre.
Tumaas ng P0.7731 ang kada kilowatt hour kung kayat tataas ng 8.61 per kWH ang dating 7.84/kWH nitong oktubre.
Idinahilan ng Colight ang mataas ring pagpasa sa kanila ng Philippine Wholesale Electricity Spot Market na binibilhan nito ng kuryente sa Mindanao.
Ito na ang ikatlong sunod na pagtaas ng singil ng Colight ngayong taon.
Pinaalalahanan naman ng Cotabato Light ang publiko na maging matipid sa paggamit ng kuryente at iiswitch off o patayin ang mga di kakailanganing appliances o mga bagay na ginagamitan ng kuryente.