Bumisita kay Moro Islamic Liberation Front Chairman at United Bangsamoro Justice Party President MP-Elect Ahod “Al-Haj Murad” Ebrahim ang delegasyon mula sa Turkiye ilang araw matapos ang unang BARMM Parliamentary Elections noong Setyembre 14.

Pinangunahan ni Turkish Ambassador to the Philippines Niyazi Evren Akyol ang delegasyon, kasama ang ilang miyembro ng Turkish Parliament na kabilang sa mga international election observers na nagmasid sa halalan sa BARMM.

Tinalakay sa kanilang pagpupulong ang naging takbo ng halalan, gayundin ang mga usapin kaugnay ng BARMM, kabilang ang pagpapatuloy ng proseso ng kapayapaan at transisyon sa rehiyon.

Pinasalamatan naman ni Ebrahim ang delegasyon sa kanilang pagbisita at sa isinagawang pagmamasid sa halalan sa Bangsamoro.