Arestado ang apat na katao at nabuwag ang drugden ng sinalakay ng mga autoridad ang isang kuta ng mga adik sa Barangay GPS sa lungsod ng Koronadal, gabi nitong nakaraang Biyernes.

Kinilala ni PDEA Region 12 Director Aileen Lovitos ang mga suspek na sina Richie Dapulang, 43 anyos, Anton Tugonon, 26 anyos, Wilhym Belo, 29 anyos at Shiemela Gonzales, 45 anyos na pawang mga taga lungsod.

Nakumpiska sa magkasanib pwersang operasyon ng PDEA at ng pulisya ng probinsya at siyudad ang 9 na sachet ng suspetsadong shabu na may halagang P108,800.00, tatlong (3) sachet ng chongke o marijuana na may presyong P270.00 maging ang mga gamit para rito.

Ang mga suspek ay ikinostodiya na sa PDEA 12 at nakatakdang sampahan ng kaso na may kinalaman sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.