Isasagawa ng Commission on Elections o COMELEC ang Final Testing and Sealing o FTS ng mga election equipment at paraphernalia sa lahat ng polling places sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte sa September 12.
Nakatakdang magsimula ang aktibidad alas-9 ng umaga sa kani-kanilang polling places sa buong bayan.
Ayon sa Office of the Election Officer ng Datu Odin Sinsuat, inaanyayahan ang mga political party, kandidato at iba pang concerned individuals na saksihan at obserbahan ang aktibidad sa kanilang mga itinalagang polling place.
Bahagi ng Final Testing and Sealing ang pagsusuri sa mga election equipment at iba pang election paraphernalia bago ang halalan.
Para sa mga katanungan at koordinasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Office of the Election Officer ng Datu Odin Sinsuat.
Ang abiso ay inilabas noong September 4 ni Atty. Joyce E. Moran, Election Officer IV.

















