Patay na ng matagpuan ng mga rescuer ang isang 9 na taong gulang na bata na estudyante sa elementarya sa Colongulo, Surallah sa lalawigan ng South Cotabato.
Ito ay ayon kay MDRRMO Leonardo Ballon sa panayam.
Pauwi na sana ito mula sa eskwela ng maganap ang insidente habang tinatawid nito ang sapa.
Ayon kay Ballon, posibleng nawalan ng balanse ang bata dahil sa suot nitong kapote na sanhi upang matangay ito.
Sinabi ng opisyal na nakita ng mga rescuer ang bangkay may 3 kilometro ang layo mula sa sapa, kinabukasan matapos ang insidente.
Panawagan naman ni Ballon sa mga magulang, tiyakin ang pagiingat ng mga ito sa kanilang anak lalot malimit na ang pagulan sa lugar.