Ipinababatid sa mga negosyante na may hanapbuhay o negosyo sa Cotabato City na nagsimula na ang pagtanggap ng City LGU sa pamamagitan ng Business Permits and Licensing Office o BPLO ng mga bagong aplikante at renewal ng mga Business Licenses ngayong taong 2025.
Nagsimula noong Enero 2 ang nasabing pagtanggap ng mga nasabing filing at renewal. Matatagpuan ang tanggapan ng BPLO sa Ground Floor, Rightwing ng Peoples Palace, Malagapas St. Sinsuat Ave. Cotabato City.
Bukas ang tanggapan kabilang na rin ang BOSS o Business One Stop Shop System mula 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon.
Mahigpit ding ipinapaalala ng City BPLO na dapat ay makapagpasa na ng mga dokumento ang mga may ari ng negosyo o komersyo na nasa lungsod bago mag Enero 20, 2025 upang hindi sila mapatawan ng penalty at surcharge.
Para naman sa kumpletong listahan ng kakailanganing dokumento, maaring magsadya ang interesante sa nasabing opisina sa nabanggit na address.