Dalawang lalaking empleyado ang natrap sa loob ng elevator ng isang mall sa Cotabato City matapos na magkaaberya ang sistema nito dakong alas tres ng umaga kanina, Mayo 5.

Ayon sa tagapagsalita ng Bureau of Fire Protection- Cotabato City Fire Station FO2 Anthony Henilo, dakong 3:56 ng umaga ng makatanggap ng tawag ang 911 command center upang iulat ang insidente na naganap alas 3 ng umaga.
Agad naman na rumesponde ang mga kawani ng City BFP at ang Engine 5 nito sa pangunguna ni CINSP Atty. Omar Bakong.

Pagdating sa lugar, agad silang nagpatupad ng mga safety measures habang ang mga tauhan ay nakipagugnayan agad sa pamunuan ng gusali.
Makalipas ang ilang minuto, 4:45 ng umaga ng naibalik sa normal ang operasyon ng elevator at nailigtas ang mga natrap na empleyado.
Walang naiulat na sugatan sa insidente at agad namang idineklara na controlado ang nasabing insidente.

















