Nagdaos ng special meeting ang peace implementing panels ng Government of the Philippines o GPH at Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Setyembre 25, 2026.

Tinalakay sa pulong ang mga pangunahing usapin kaugnay ng patuloy na pagpapatupad ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB.

Kabilang sa mga napag-usapan ang panukalang framework para sa Small Arms and Light Weapons Management o SALW-M Program.

Nagkaroon naman ng kasunduan sa prinsipyo ang dalawang panig sa panukalang framework, habang inatasan ang Technical Working Group na tapusin ito bago isumite sa Joint Normalization Committee o JNC.

Tinalakay rin ang mga socioeconomic intervention para sa mga decommissioned combatants at ang pagpapalawig ng mandato ng Ad Hoc Joint Action Group o AHJAG hanggang Setyembre 25, 2027.