Arestado ang isang High Value Target Individual sa ikinasang operasyon kontra iligal na droga ng kapulisan sa Poblacion Dos, Pigcawayan, North Cotabato dakong 6 ng umaga kahapon.

Kinilala ang nahuli na si alyas JR, taga Barangay Malagakit at 35-anyos.

Nakuha sa suspek ang droga na mayroong halagang P138,040.00. Kulong ngayon ang durugista sa Pigcawayan PNP custodial facility upang harapin ang paglabag nito sa mga batas hinggil sa ipinagbabawal na droga.

Photo Credits to the rightful owner.