Aabot sa mahigit kalahating milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasamsam ng pulisya sa isang anti-smuggling operation ng Maluso Municipal Police Station sa Barangay Lower Portholland, Maluso, Basilan, noong Disyembre 29, 2025.

Sa operasyon, narekober ang 15 kahon ng BOSQU Filter Kings cigarettes o katumbas ng 750 reams, kasama ang isang Suzuki mini van na ginamit sa transportasyon ng mga ilegal na produkto. Dalawang indibidwal ang arestado at kasalukuyang inihahanda ang kaso laban sa kanila dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) at Republic Act No. 10643 (Graphic Health Warnings Law).

Itinurn-over na ang mga nakumpiskang items sa Provincial Customs Office para sa tamang disposisyon. Pinuri ni PBGEN Jaysen C. De Guzman, Regional Director, ang mga pulis sa kanilang alerto at maayos na koordinasyon, na nagresulta sa matagumpay na operasyon laban sa iligal na gawain sa Maluso.