Aabot sa humigit kumulang kalahating milyong piso (P500,000.00) ang halaga ng mga iligal na sigarilyo ang nasamsam ng Upi MPS sa bahagi ng Barangay Nuro, Maguindanao del Norte.

Sa ulat ng pulisya, dalawang sasakyan ang naharang ng mga otoridad mula sa kanilang isinagawang chekpoint kung saan animnapu (60) na naglalakihang kahon ng mga puslit na sigarilyo ang nakumpiska kung saan apatnapu (40) na kahon ang nakita sa isang Hiace Van at dalawampu (20) naman sa isang Mini Van. Dahil dito, nagresulta ito sa pagkakaaresto ng limang personalidad

Nakakulong na ngayon sa UPI MPS ang nasabing mga indibidwal. Pansamantalang hawak ng pulisya ang mga ebidensya upang i turn-over sa pangangalaga ng aduana o Customs para sa kaukulang pagdodokumento.