Makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng kuryente ang ilang bahagi ng Sultan Kudarat at Maguindanao del Sur sa Linggo, Setyembre 27, 2026, dahil sa mga nakatakdang trabaho sa power transmission system.
Ayon sa abiso, maaapektuhan ang mga lugar na sakop ng Dansuli, Dukay, Isulan, Malipayon at Datu Paglas Substations ng SUKELCO mula alas-7 hanggang alas-8 ng umaga at alas-3 hanggang alas-4 ng hapon.
Isasagawa ito para sa paglilipat ng electrical loads bago at matapos ang scheduled works sa loob ng NGCP Tacurong Substation ng SOCOTECO I.
Samantala, makararanas din ng power interruption ang mga lugar na sakop ng Kalamansig Substation ng SUKELCO mula alas-7 ng umaga hanggang alas-11:30 ng umaga, at alas-3 hanggang alas-4 ng hapon.
Kabilang sa mga gagawin ng NGCP ang paglilinis ng mga delikadong puno at halaman at pag-install ng load break switch sa Tacurong-Kalamansig 69-kilovolt transmission line.
Ayon sa abiso, maaari ring maapektuhan ang oras at lawak ng pagkawala ng kuryente depende sa aktuwal na kondisyon ng trabaho at sa mga lugar na sakop ng concerned electric cooperative.
Sinabi ng NGCP na gagawin nito ang lahat ng paraan upang maibalik ang suplay ng kuryente nang mas maaga o ayon sa itinakdang oras, matapos makuha ang clearance para sa muling pagpapakuryente.

















