Isa ang patay, isa ang sugatan habang nakaligtas sa kalawit ni kamatayan ang apat pang indibidual sa isa na namang serye ng pananambang sa Sitio Bisang, Barangay Romongaob, South Upi sa lalawigan ng Maguindanao del Sur.

Sa inisyal na tala, patay on the spot ang isang kasapi ng 105th Base Command ng MILF habang agad namang isinugod sa pagamutan ang sugatang asawa nito matapos ang pananambang dito.

Sa ulat naman ng pulisya sa bayan, kinilala ang nasawi na si Bassir Saligan at ang sugatang asawa nito na si Armia habang ang apat na nakaligtas ay kinilalang sina Marry Sabpa, Mohamedin Saligan, Ryan Diwan at Hadja Baira Guiamal.

Sa ulat, pauwi na sana ang nasabing mga biktima mula sa Sitio Femogoyom sa Barangay Pandan sakay ng kanilang multicab ng tambangan ito ng apat na armadomg suspek na mabilis na nakatakas matapos ang pananambang.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga autoridad sa insidente habang inaalam pa rin sa ngayon ang tunay na pagkakakilanlan ng dalawang biktima.