Posibleng madiskwalipika at matanggalan ng akreditasyom ang isa sa siyam na Major Political Party na kalahok sa First Bangsamoro Parliamentary Polls ngayong Setyembre.

Sa naging pulong balitaan ni Comelec Chairman Atty. George Garcia kanina, sinabi nito na bagamat madidiskwalipika ang di nito pinangalanan na partido, makakakuha pa ito ng mga remedyo upang mabaliktad ang nasabing desisyon.

Habang di pa nakakapagpalabas ng pinal na desisyon o ng TRO ang hukuman na bumabaliktad sa nasabing pagbasura ng akreditasyon, maituturing na Stray o hindi mabibilang ang boto na makukuha nito sa darating na September 14.

Ginawa ng komisyon ang ang anunsyo upang hindi mabigla ang taumbayan sa naging desisyon nito at upang maipaalam na may remedyo pa na maaring gamitin ang nasabing partido upang makabalik ito sa pagpipilian ng mga botante sa First Bangsamoro Polls.