Magkakaroon ng tig-iisang oras na nakatakdang power interruption sa buong franchise area ng Cotabato Light sa Linggo, Agosto 16, 2026, ayon sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Batay sa abiso, mararanasan ang unang power interruption mula 5:00 ng umaga hanggang 6:00 ng umaga, habang ang ikalawang interruption ay mula 6:00 ng gabi hanggang 7:00 ng gabi.
Ayon sa NGCP, isasagawa ang pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente upang bigyang-daan ang preventive maintenance ng 100MVA Power Transformer No. 3 (7Z-XF03SKU) sa GOMP.
Sa umaga, pansamantalang ililipat ang power source ng SKU-DSA 69KV Line sa 100MVA Power Transformer No. 2 (7Z-XF02SKU).
Samantala, sa hapon ay isasagawa ang normalization process kung saan ibabalik ang power source ng SKU-DSA 69KV Line sa 100MVA Power Transformer No. 3 (7Z-XF03SKU).
Pinapayuhan ang mga consumer sa buong sakop ng Cotabato Light na maghanda sa nakatakdang power interruption at gawin ang mga kinakailangang pag-iingat habang isinasagawa ang maintenance activities.

















