‎Nagpulong kahapon, araw ng Biyernes, Oktubre 17, 2025, ang Bangsamoro Youth Commission (BYC) at ang Islamic Bank sa Cotabato City sa isang courtesy visit na ginanap sa BYC Regional Office ng lungsod.

‎Pinangunahan ni BYC Chairperson Nasserudin D. Dunding at Bai Sittie Hedjara Kusain, pinuno ng Islamic Bank sa Cotabato City, ang talakayan hinggil sa mga serbisyong pangbangko at mga posibleng ugnayan na nakabatay sa prinsipyo ng Islamic finance.

‎Tinalakay sa pagpupulong ang mga opsyon para sa Shariah-compliant financial services at mga programang maaaring makatulong sa mga kabataang Bangsamoro sa aspeto ng kabuhayan at pang-ekonomiyang pag-unlad.

‎Bagaman wala pang pinal na kasunduan, nakatakdang ipagpatuloy ng dalawang panig ang konsultasyon para sa mga susunod na inisyatiba.