Aktibong nakikilahok ang mga kabataan mula sa iba’t ibang barangay ng District III sa Cotabato City sa isang pagtitipon na nakatuon sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman at partisipasyon sa mga usaping may kaugnayan sa kinabukasan ng Bangsamoro.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na maipahayag ang kanilang pananaw at maging mas mulat sa mga prosesong nakaaapekto sa kanilang komunidad.
Mahalaga ang naturang pakikilahok lalo na sa nalalapit na kauna-unahang BARMM Parliamentary Election sa September 14.
Hinihikayat ang mga kabataan na maging mapanuri, magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa halalan at makibahagi sa mga usaping panlipunan bilang bahagi ng kanilang papel sa paghubog ng kinabukasan ng Bangsamoro.
Sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon, inaasahang mas mapalalakas ang boses ng kabataan sa mga usaping may direktang epekto sa kanilang komunidad at sa buong rehiyon.

















