Sugatan ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Agriculture, Midsayap, Cotabato, ngayong umaga.
Batay sa inisyal na ulat, tinambangan ang biktima habang sakay ng kanyang sasakyan dakong alas-7:00 ng umaga. Kinilala ito na si Dhen Mascud, kapatid ni Kadayangan SGA Mayor Duma Mascud sa ilalim ng Bangsamoro region.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga nasa likod ng krimen.