Umakyat na sa 551 ang na admit sa Cotabato Regional and Medical Center o CRMC sa Cotabato City dahil sa paglobo ng bilang ng mga tinamaan ng viral infection na dengue.

Sa talaan na inilabas ng CRMC, 211 dito ay mula sa Cotabato City, 270 naman ang taga Maguindanao, North Cotabato 30, Sultan Kudarat 24, at 6 ang mula sa Lanao Del Sur ang kasalukuyan nakaadmit sa Cotabato Regional and Medical Center.

Umabot na sa 12 ang namatay dahil sa dengue ayon sa pagtatala ng nasabing ospital.

Patuloy naman ang panghihikayat ng Department of Health na mas maigtingin ang 4s o Search and Destroy, Secure Self-protection, Support Fogging and Spraying, and Seek Early Consultation, dahil ito parin ang pinakamabisang paraan upang mapuksa ang kumakalat na viral infection na dengue.