Patay ang tsuper ng isang kotse matapos na masangkot ito sa isang salpukan sa pagitan niya at ng isang dumptruck sa bahagi ng National Highway sa bayan ng Polomolok sa lalawigan ng Timog Cotabato kahapon ng hapon.
Dahil sa malakas na impact pagkakasalpok, lubhang nawasak na parang piniping lata ang kotse.
Sa ngayon, iniimbestigahan pa rin ng Traffic Enforcement Unit ng PNP Polomolok ang naturang insidente.