Arestado ang isang lalaki na nakilalang si alyas “Al,” residente ng Kalanganan 2, Cotabato City, matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad noong Huwebes, Mayo 1.

Sa ikinasang operasyon, nahuli si alyas “Al” sa aktong pagbebenta umano ng ipinagbabawal na gamot.

Narekober mula sa kanyang pag-iingat ang dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Bukod dito, nakuha rin sa kanya ang isang pirasong P500.00 marked money na ginamit bilang ebidensya sa operasyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.