Himas ng malamig na bakal ng rehas ang isang 28-anyos na lalaki matapos nitong saksakin at tangkang halayin ang kanyang nakababatang pinsan sa Rosary Heights 8 nitong lungsod ng Cotabato kahapon ng umaga, Biyernes.

Sa video na kuha ng kapatid ng menor de edad na babae, makikitang buhat ng isa nilang kaanak ang duguang biktima na isinakay sa payong-payong upang dalhin sa pinakamalapit na ospital.

Ayon sa kapatid nito, hindi naging matagumpay ang tangkang pangagahasa ng manyakis nilang kaanak kaya sinaksak na lang nito ang dalaga.

Nakiusap naman ang pamilya ng di pinangalanan na biktima na wag nang ikalat ang video na naipost ng kaanak nito sa social media.