Bilang pakikiisa sa kampanya contra Loose Firearms o mga di dokumentadong armas, pinangunahan ng Ayunan-Pasawiran Brothers ang pagsuko sa mga nakatago nitong loose firearms sa lungsod ng Cotabato.

Ginawa ang naturang turn-over ng mga malalakas na uri ng baril sa Batallion Headquarters, Civil Military Operations (CMO) ng 6th Infantry Division sa PC Hill nitong lungsod kahapon.

Malugod naman na tinanggap ni CMO Batallion Commander Lt. Col. Roden Orbon at ni Lt. Col Joaquin Agtarap Jr. ng Cotabato City Police ang naturang mga armas.

Apat na M4 Carbine at dalawang M16 na mga baril ang isinuko ng magkakapatid na Ayunan Pasawiran sa militar maging sa kapulisan.

Nanguna naman sa naturang pagsuko ng mga armas kasama ng mga mamamahayag sina Kalanganan Mother Captain Datu Bimbo Ayunan Pasawiranz Kalanganan 1 Captain Datu Edris Ayunan, MB Bagua Kapitan Lily Ayunan, at mga konsehales na sina Marouf Ayunan at Gabby Usman.