Patong-patong na kaso na paglabag sa RA 9516 at 10591 ang kakaharapin ng magkapatid na sina Mohammad at Alnel Ganoy matapos ito na makunan ng mga bala ng armas partikular na ng isang bala ng 40MM at labing tatlong pirasong bala ng 7.62mm sa loob ng sarili nitong pamamahay.
Ayon kay Cotabato City Police Director Col. Michael Mangahis, nadakip ang mga suspek sa bisa ng isang search warrant na inilabas ng hukuman sa RTC 10th Judicial Region, Br. 21 Kapatagan, Lanao del Norte.
Idinagdag pa ng hepe na nasangkot na din sa pagtutulak ng iligal na droga ang isa sa magkapatid ngunit sa di mabatid na dahilan ay nakalaya ito noong 2023.
Iniimbestigahan na din aniya ng CCPO ang dalawa kung sangkot ba ito sa mga krimen na nagaganap din sa siyudad.