Masayang tinanggap ng mga pamilya na naging biktima ng pagbaha sa bayan ng Mother Kabuntalan, Maguindanao del Sur ang tig 25 na kilo ng bigas at mga foodpacks mula sa Project Tabang ng BARMM Office of the Chief Minister o OCM.

Ito ay sa pamamagitan ng ALAB o Alay Sa Bangsamoro kung saan ang pondo ay galing mismo sa tanggapan ni Chief Minister Ahod Ebrahim.

Tig 500 na sako ng bigas at foodpacks ang naipamahagi sa lugar.

Labis namang nagpasalamat ang mga apektadong pamilya sa kanilang natanggap na tulong.